Ang mga kasalukuyang bilanggo at mga taong dating nakakulong ay maaaring karapat-dapat magparehistro upang makaboto sa mga halalan sa California. Kumuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa:
Mga Iniaatas sa Pagiging Karapat-dapat
Sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng mga Siyerip ng County ng Los Angeles, ang RR/CC ay nagbibigay sa mga bilanggo ng mga pagkakataong magparehistro upang makaboto. May mga pagtatakda, kaya basahin ang seksyong ito upang malaman kung ikaw ay karapat-dapat bumoto.
Ikaw ay maaaring magparehistro upang makaboto kung ikaw ay:
- Isang mamamayan ng Estados Unidos ng Amerika;
- Isang residente ng California;
- Hindi kukulangin sa 18 taong gulang o mas matanda sa o bago ang araw ng halalan;
- Hindi nasa bilangguan, nasa parol, nagsisilbi ng isang sentensiyang pambilangguan ng estado sa kulungan ng county, nagsisilbi ng isang sentensiya para sa isang malaking pagkakasala alinsunod sa subdibisyon (h) ng seksyon 1170 ng Kodigo sa Parusa, o wala sa pangangasiwa ng komunidad pagkatapos palayain; at
- Hindi ipinasiyang walang kakayahan ang isipan ng isang hukuman ng batas.
Batas sa Muling Pagsasaayos ng Hustisyang Pangkrimen
Noong 2011, ipinasa ng Lehislatura at pinirmahan ng Gobernador ang Batas sa Muling Pagsasaayos ng Hustisyang Pangkrimen (CJRA). Sa ilalim ng seksyon 1170(h) ng Kodigo sa Parusa, ang mga nakagawa ng mababang-antas na krimen ay sinesentensiyahan sa kulungan ng county at/o pangangasiwa ng kagawaran ng probasyon ng county sa halip dalhin sa bilangguan ng estado. Ang CJRA ay nagbunga ng kaunting kalituhan tungkol sa mga karapatan sa pagboto ng mga taong napatunayang nakagawa ng krimen.
Ikaw ay karapat-dapat kung ikaw ay:
- Nasa kulungan ng county sa pagsisilbi ng isang sentensiya sa maliit na pagkakasala. Ang maliit na pagkakasala ay hindi nakakaapekto sa iyong karapatang bumoto.
- Nasa kulungan ng county dahil ang panahon sa kulungan ay isang kondisyon ng probasyon.
- Nasa probasyon.
- Nakatapos na ng parol, sapilitang pangangasiwa, o pangangasiwa ng komunidad pagkatapos palayain.
- Ang iyong karapatang bumoto ay awtomatikong ibinabalik kapag nakatapos na ng parol o pangangasiwa.
Ikaw ay hindi karapat-dapat kung ikaw ay:
- Nasa bilangguan ng estado.
- Nasa kulungan ng county sa pagsisilbi ng isang sentensiyang pambilangguan ng estado.
- Nasa kulungan ng county sa pagsisilbi ng isang sentensiya sa krimen sa ilalim ng seksyon 1170(h) ng Kodigo sa Parusa.
- Nasa parol, sapilitang pangangasiwa, o pangangasiwa ng komunidad pagkatapos palayain.
Pagpaparehistro ng Botante
Ikaw ay maaaring magparehistro upang makaboto kahit kailan ngunit upang maging karapat-dapat para sa darating na halalan, ikaw ay dapat magparehistro labinlimang (15) araw bago ang partikular na halalang iyon.
- Kumpletuhin ang isang Porma ng Paghiling ng Bilanggo at isulat ang "Porma ng Pagpaparehistro ng Botante" sa tabi ng "Iba"
- Kumpletuhin ang Porma ng Pagpaparehistro ng Botante
- Tiyakin na isama ang iyong permanenteng/direksiyon ng tirahan sa mga kahon 4 at 5
- Isama ang iyong direksiyong pangkoreo sa kulungan sa kahon 7 at 8:
P.O. Box 86164
Terminal Annex / Booking #_____
Los Angeles, CA 90086-0164
- Repasuhin ang porma ng pagpaparehistro at tiyakin na ito ay napirmahan at lahat ng mga impormasyon ay kumpleto
- Ipakoreo ang Porma ng Pagpaparehistro ng Botante
Magagawa mong alamin ang katayuan ng inyong pagpaparehistro bilang botante.
Pinalaya Mula sa Pag-iingat?
Kapag ikaw ay pinalaya mula sa iyong pasilidad ng pag-iingat, ikaw ay dapat na muling magparehisto upang makaboto upang ang materyal sa halalan ay maipakoreo sa iyo sa tamang direksiyon. Kung hindi, ang iyong materyal sa halalan ay maaaring ipadala sa isang pasilidad ng pag-iingat o ibalik sa Opisina sa mga Halalan ng County bilang hindi maihahatid na sulat.
Muling Magparehistro upang makaboto kung ikaw ay:
- Nakakumpleto ng isang sentensiya sa malaking pagkakasala at wala sa parol
- Nagpalit ng iyong permanenteng tirahan
- Nagpalit ng iyong pangalan
- Nagpalit ng iyong partidong pampulitika
Mga Tagapagdulot
Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa: