Partidong Kapayapaan at Kalayaan
Makakaboto kayo para sa mga karapatan at pangangailangan ng nagtatrabahong-uri na mga tao sa California at sa buong mundo.
Bumoto para sa makabuluhang trabaho para sa lahat; doblehin ang pinakamababang suweldo. Tapusin ang kahirapan at kawalan ng bahay.
Bumoto para sa libre, mahusay na pangangalagang pangkalusuan at edukasyon para sa lahat.
Bumoto upang buwisan ang mayayaman upang matugunan ang mga pangangailangang pantao.
Bumoto para sa kumpletong proteksiyon at pagbabalik ng ating kapaligiran.
Bumoto upang hayaan ang mga tao sa buong mundo na magpasiya kung paano pamamahalaan ang mga sarili. Pauwiin ang lahat ng mga sundalo ng U.S. at tanggalin ang lahat ng mga ahente na ipinadadala upang itaguyod at protektahan ang mga tubo ng korporasyon. Tapusin ang lahat ng tulong na militar ng ibang bansa.
Bumoto upang tapusin ang diskriminasyon laban sa mga naaaping grupo, ginagawang posible para sa lahat na lumahok nang demokratiko at makibahagi nang pantay.
Ang kapitalismo ay gumagamit ng ating paggawa at mga likas na yaman upang lumikha ng tubo para sa iilan. Ito ay nagiging dahilan ng digmaan, pagkasira ng kapaligiran, kahirapan, at kawalan ng pagkakapantay-pantay.
Tayong nagtatrabahong-uri ng mga tao ay nangangailangan ng ating sariling partido. Hindi natin maaasahan ang mga partido na kinokontrol ng mga korporasyon at ng mayayaman na kikilos sa ating mga interes.
Kung magkakasama tayong magtatrabaho, mababago natin ang sistema. Makakalikha tayo ng isang sosyalistang lipunan kung saan tayo ay may demokrasya at nagtutulungan sa paggamit ng mga yaman ng kalikasan, ating paggawa at ating kayamanang panlipunan para sa kabutihan ng lahat.
Magparehistro at iboto ang Partidong Kapayapaan at Kalayaan.