Skip to Content
New-Citizens

Ang mga bagong mamamayan ay maaaring magparehistro upang makaboto pagkatapos lumahok sa isang seremonya ng Mga Serbisyo sa Pagkamamamayan at Imigrasyon (CIS). Upang matiyak na ang mga bagong mamamayan ay may pagkakataong bumoto sa mga halalan, ang mga huling araw ng pagpaparehistro at ang mga pamamaraan sa pagboto ay iba.

Bilang isang mamamayan ng Estados Unidos, ikaw ay hinihimok na magparehistro upang makaboto at aktibong lumahok sa pagpili ng iyong mga kinatawan sa pamahalaan.

Sino ang Maaaring Magparehistro upang Makaboto?

Ang mga bagong mamamayan na magiging hindi kukulangin sa 18 taong gulang sa susunod na halalan ay karapat-dapat magparehistro upang makaboto.

Paano Magparehistro

Pagkatapos ng seremonya ng CIS, ikaw ay maaaring magparehistro upang makaboto:

Ang mga taong naging mga mamamayan pagkaraan ng pagsasara ng pagpaparehistro ay maaaring magparehistro at bumoto sa opisina ng Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County kahit kailan hanggang sa pagsasara ng mga botohan sa Araw ng Halalan. (E.C. § 3500)

Ang mga bagong mamamayan ay dapat magharap ng katunayan ng pagiging mamamayan at ihayag na sila ay nakapagtatag ng paninirahan sa County ng Los Angeles. (E.C. § 3501)

Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante

Ang pangkat ng Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante ay pangkaraniwang dumadalo sa mga seremonya ng naturalisasyon sa County ng Los Angeles upang magrehistro ng mga bagong mamamayan upang makaboto. Sa bawat seremonya, mula sa 900 hanggang 5,000 aplikante ay nagiging mamamayan at inaalok ng pagkakataon na magparehistro upang makaboto. Noong 2012, halos 30,000 bagong mamamayan ang nagparehistro upang makaboto sa mga seremonya ng naturalisasyon.

I-klik dito para sa Mga Lokasyon at Iskedyul ng Seremonya ng Naturalisasyon.

Icon - Close