Ang Nagpapayong Komite sa Pagkakaroon ng Daan sa Pagboto (VAAC) ay itinatag noong 2006 upang tulungan ang Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County sa pagpapatupad ng mga malilikhaing istratehiya, at nagpapabuti rin ng pagkakaroon ng daan at paglahok sa proseso ng halalan, para sa mga indibidwal sa loob ng buong saklaw ng mga kapansanan.
Mga responsibilidad
- Dumalo sa pulong ng VACC tuwing ikalawang buwan. Ang mga pulong ay magagawa sa pamamagitan ng linya ng komperensiya sa telepono ngunit ang mga kalahok ay malakas na hinihimok na dumalo sa kahit kalahati ng mga pulong nang personal.
- Magbigay ng payo upang madaig ang mga hadlang sa paggamit ng lugar ng botohan.
- Gumawa ng mga rekomendasyon sa website ng kagawaran at materyal na pang-edukasyon na may kaugnayan sa pagkakaroon ng daan.
- Tumulong sa pagsusuri ng pagkakaroon ng daan sa lugar ng botohan.
- Gumawa ng mga rekomendasyon na may kaugnayan sa mga materyal sa pagsasanay sa manggagawa sa botohan at nilalaman ng klase.
- Gumawa ng mga rekomendasyon sa pagsasagawa ng pakikipag-ugnayan sa komunidad ng may kapansanan.
Mga miyembro
Ang komite ay binubuo ng mga kinatawan mula sa:
- Konseho ng Bulag ng California
- Sentro ng Indibidwal na Pamumuhay ng California
- Lunsod ng Whittier
- Kagawaran ng may Kapansanan ng Lunsod ng Los Angeles
- Mga Karapatan ng May Kapansanan ng California
- Sentro ng Tagapagdulot ng May Kapansanan, Inc.
- Opisina ng Punong Tagapagpaganap ng County ng Los Angeles
- Kagawaran ng Rehabilitasyon ng California
- Nagkakaisang Cerebral Palsy
- Sentro sa Pagaaral ng May Kapansanan at Inklusyon ng Komunidad (USC)
- Sentro ng Indipendiyenteng Pamumuhay ng Westside