Skip to Content

Mga Serbisyo sa Araw ng Halalan

Kumuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga serbisyong makukuha bago ang Araw ng Halalan:

TDD na mga Serbisyo para sa Bingi at Mahina ang Pagdinig

Ang isang text typewriter TDD ay magagamit upang kumuha ng mga tawag mula sa sinumang mamamayan na mahina ang pandinig. Ang numero ng TDD ay (562) 462-2259.

Pagrekord sa Cassette Tape

Ang mga pagrekord sa cassette tape ng impormasyon na nakalimbag sa mga pamplet ng balota para sa mga Proposisyon ng Estado at mga panukala ng County para sa mga primarya at pangkalahatang halalan ay makukuha kung hihilingin. Ang mga teyp ay makukuha humigit-kumulang na apat na linggo bago ang halalan at maaaring makuha mula sa Seksyon ng Impormasyon sa Halalan ng RR/CC sa Norwalk sa (562) 466-1310, mula sa mga aklatan ng lunsod at county at sa Braille Institute (tingnan ang Mga Botanteng may mga Kapansanan sa Paningin).

Mga Mapipiling Maagang Pagboto

  • Balota ng Di-makakarating: Sinumang nakarehistrong botante ay maaaring mag-aplay para sa Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (tinatawag din na balota ng di-makakarating). Ang mga pamplet ng halimbawang balota ay nagtataglay ng aplikasyon sa panlikod na pabalat. Maaari rin kayong sumulat sa: RR/CC, Document Receipt, P.O. Box 30450, Los Angeles, CA 90030-0450 o Mag-fax sa (562) 462-2354 Kung nag-aaplay sa pamamagitan ng liham, ibigay ang iyong direksiyon ng tirahan at direksiyon kung saan ipadadala ang balota ng di-makakarating. Mahalagang isama ang iyong pirma.
    • Ang mga Aplikasyon para sa Pagboto sa Pamamagitan ng koreo ay dapat iharap para sa bawat halalan at matanggap ng RR/CC nang hindi lalampas ang pitong (7) araw bago ang halalan. Ang isang indibidwal na aplikasyon o liham ng kahilingan ay kailangan para sa bawat taong humihiling ng isang balotang pangkoreo para sa bawat halalan.
  • Permanenteng Pagboto ng Di-makakarating: Ang batas ng Estado ng California ay nagtatadhana na sinumang botante ay maaaring mag-aplay para sa katayuan ng permanenteng di-makakarating na botante. Ang mga permanenteng di-makakarating na botante ay hindi na kailangang mag-aplay para sa mga halalan sa hinaharap. Ang isang balota ay awtomatikong ipinadadala sa bawat halalan. Para sa karagdagang impormasyon o upang humiling ng aplikasyon para sa katayuan ng Permanenteng Di-makakarating na Botante, tumawag sa (562) 466-1323 o sumulat sa opisina ng RR/CC: RR/CC. P.O. Box 30450, Los Angeles, CA 90030-0450.
  • Mga Pang-emerhensiyang Balota ng Di-makakarating na Botante: Kung sa ika-pitong araw bago ang halalan nalaman mo na hindi ka makakaboto nang personal sa Araw ng Halalan, maaari ka pa ring humiling ng balota ng pagboto sa pamamagitan ng Koreo (di-makakarating). Dapat kang gumawa ng nakasulat na kahilingan, pumirma sa ilalim ng parusa sa pagbibigay ng hindi totoong sinumpaang pahayag, at ihatid ito sa opisina ng RR/CC sa 12400 Imperial Highway, Norwalk, CA 90650.

Matatawagan

Ang impormasyon tungkol sa pagpaparehistro ng botante at mga halalan ay makukuha mula sa RR/CC. Ang opisina ay matatagpuan sa 12400 Imperial Highway, Norwalk, CA 90650. Ang mga mamamayan ay makakatawag sa opisina para sa impormasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa (562) 466-1310 o walang-bayad (800) 815-2666. Ang opisina ay bukas mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa mga karaniwang araw, maliban sa mga pista opisyal. Ang direksiyong pangkoreo ay RR/CC, P.O. Box 30450, Los Angeles, CA 90030-0450.

Icon - Close