Skip to Content

Maging isang Sentro ng Pagboto

Vote Center Recruitment

Mga Kinakailangan ng Sentro ng Pagboto

Ang County ng L.A. ay aktibong kumukuha ng publiko at pribadong mga gusali upang magsilbing Sentro ng Pagboto para sa darating na Nobyembre 2020 na Pangkalahatang Halalan. Kung may pagmamay-ari ka, pinamamahalaan o may alam na isang ari-arian na perpekto para sa pagboto nais naming makipag-ugnayan sa inyo!

Oras ng Paggamit

  • Dapat ay magagamit hanggang sa 14 na magkakasunod na araw (kasama ang pagsasa-ayos, ang panahon ng pagboto, at pagliligpit)
  • Dapat na magagamit mula ika-6 ng umaga hanggang ika-9 ng hapon (posibleng hanggang sa paglaon sa Araw ng Halalan upang pahintulutan ang mga botante na makumpleto ang pagboto)

Sukat ng Silid

Ang pinakamababang sukat na kinakailangan ng lugar upang maging isang Sentro ng Pagboto ay 2,200 kuwadradong talampakan (sq ft). Depende sa laki ng pasilidad, ilalaan namin ang Mga Kagamitang Pagmarka ng Balota tulad ng mga sumusunod:

  • 2,200 sq ft = 15-20 Mga Kagamitang Pagmarka ng Balota
  • 3,100 sq ft = 25 Mga Kagamitang Pagmarka ng Balota
  • 3,800 sq ft = 30 Mga Kagamitang Pagmarka ng Balota
  • 4,150 sq ft = 35 Mga Kagamitang Pagmarka ng Balota
  • 4,800 sq ft = 40 Mga Kagamitang Pagmarka ng Balota
  • 5.600 sq ft = 45 Mga Kagamitang Pagmarka ng Balota
  • 5,650 sq ft = 50 Mga Kagamitang Pagmarka ng Balota
  • 6,200 sq ft = 55 Mga Kagamitang Pagmarka ng Balota
  • 6,350 sq ft = 60 Mga Kagamitang Pagmarka ng Balota

Napupuntahan

  • Napupuntahang landas ng paglakad papunta sa silid ng Sentro ng Pagboto
  • Napupuntahan na paradahan para sa mga botanteng may mga kapansanan (o kakayahang lagyan ng mga cones ang mga puwang sa paradahan)

Pagtatasa ng mga Lugar

Ang lahat ng mga potensyal na gusali ay dadaan sa isang kumpletong pagtatasa ng lugar upang matiyak na natutugunan ng gusali o ng pag-aari ang lahat ng mga kinakailangan sa kakayanang mapuntahan, datos, at kuryente na kinakailangan upang mapatakbo ang Sentro ng Pagboto at magbigay ng isang positibong karanasan sa pagboto. Ang mga lugar na mayroong hardwired na koneksyon sa internet ay mas gugustuhin.

Makipag-ugnayan sa Amin

Get started and contact us directly by emailing VoteCenters@rrcc.lacounty.gov.


Vote Center Recruitment Resources

Icon - Close