Ang serbisyong ito ay kasalukuyang nagpapahintulot sa iyo na tingnan at ilimbag ang inayos na mga pahayag ng pagsisiwalat sa kampanya para sa mga kandidato ng Proposisyon B, isang anyo ng larawan, iniharap alinsunod sa pang-estado at Pang-county na batas. Ang impormasyon sa lugar na ito ay mahahanap batay sa halalan, kandidato/humahawak ng katungkulan, pangalan ng komite at panukala. Ang mga pangdatos na porma 460 mula 2006 hanggang kasalukuyan ay makukuha.
Anong Impormasyon sa Pagtustos sa Kampanya ang Makukuha?
Ang impormasyon sa pagtustos sa kampanya para sa mga taon ng halalan mula 2004 ay makukuha para sa pananaliksik sa lugar na ito para sa mga sumusunod: ang Lupon ng mga Superbisor, Siyerip, Tagatasa, Abugado ng Distrito at ang kanilang kinokontrol na mga komite, mga kandidato/humahawak ng katungkulan sa county at ang kanilang mga kinokontrol na komite, gayon din ang mga komite na sumusuporta o sumasalungat sa mga panukala ng county.
Lahat ng ibang mga pahayag ng kandidato para sa hindi Pambuong-county na mga katungkulan ay makukuha sa papel na kopya sa pangunahing opisina sa Norwalk sa mga karaniwang araw mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon:
Campaign Finance
12400 Imperial Hwy., Room 2003
Norwalk, CA 90650
Paano Matitingnan ang Impormasyon sa Kampanya
Ang mga kandidato ng Proposisyon B na naghahangad ng impormasyon sa pagtustos sa kampanya ay maaaring sumangguni sa Pagsisiwalat ng Pagtustos sa Kampanya: Impormasyon para sa mga Kandidato na pahina.
Maaaring tingnan ng pangkalahatang publiko ang impormasyon sa pagsisiwalat sa kampanya ng kandidato at mga humahawak ng katungkulan sa Proposisyon B sa Pagsisiwalat ng Pagtustos sa Kampanya: Impormasyon para sa mga Pangkalahatang Publiko na pahina.
Para sa impormasyon sa limitasyon sa kontribusyon sa kampanya, pumunta dito.
Impormasyon na Makukuha ng Pangkalahatang Publiko
- Isinaayos na Porma 460 mula 2003 hanggang 2006
- Isinaayos na Porma 496: 24-na-oras na Independiyenteng Ulat ng Paggasta
- Isinaayos na Porma 497: 24-na-oras ng Ulat ng Kontribusyon
- Porma 803 - Hiniling na mga Pagbabayad: Impormasyon sa mga Pagbabayad para sa Pambatasan, Pampamahalaan o Pangkawanggawang mga Aktibidad
Tungkol sa Proposisyon B
Ang County ng Los Angeles ay nagpatibay ng isang ordinansang kilala bilang Proposisyon B, kumokontrol sa mga kontribusyon sa kampanya ng mga kandidato para sa mga inihahalal na katungkulan sa County. Ang Proposisyon B ay angkop sa mga kandidatong tumatakbo para sa katungkulan ng Tagatasa, Abugado ng Distrito, Siyerip at mga miyembro ng Lupon ng mga Superbisor.
Para sa impormasyon tungkol sa Proposisyon B, tingnan ang Ordinansang Prop. B at Hanbuk ng Prop. B.