Skip to Content

Programa ng Empleyado ng County na Manggagawa sa Halalan

County Election Workers

Ang Programa ng Empleyado ng County na Manggagawa sa Halalan (CEEWP) ay nag-aalok ng kakaibang karanasan sa pag-aaral at pagkakataong maglingkod sa ating komunidad sa labas ng mga tradisyunal na tungkulin ng serbisyong ibinibigay sa kasalukuyang departamento ng mga empleyado. Sa pag-apruba ng Ang Programa ay nagpapahintulot "muling-pagtatalaga" ng mga empleyado ng County (na may pag-apruba mula sa kanilang mga superbisor) sa RR/CC sa panahon ng kanilang pagtatalaga ng manggagawa sa halalan.

Paano Mag-aplay

Ang mga empleyado ng County ay dapat makipag-ugnayan sa amin sa (213) 374-3887 o mag-email sa countyelectionworker@rrcc.lacounty.gov upang matutunan kung paano mag-aplay.

Mga Tungkulin at Pananagutan

Ang mga Manggagawa sa Halalan ng County ay may pananagutan na mamuno at/o lumahok sa lahat ng mga aktibidad sa halalan sa Sentro ng Pagboto. Kabilang dito, ngunit hindi limitado sa:

  • Tumulong sa pagbubukas at pagsasara ng lokasyon ng Sentro ng Pagboto
  • Tulungan ang mga botante at mag-ulat ng mga isyu
  • Araw-araw na paghahatid ng mga balota sa isang Tsek-In-Center
  • Magtalaga ng mga posisyon at tungkulin (Namumuno)
  • Pagtatakda ng mga iskedyul ng pahinga (Namumuno)

Kabayaran at Mga Kinakailangan

Matatanggap ng mga empleyado ng County ang kanilang regular na suweldo, DAGDAG ang overtime o katumbas na oras para sa mga oras na nagtrabaho nang lampas sa tradisyonal na mga araw ng trabaho o linggo ng trabaho.

Mag-iiba-iba ang mga kinakailangan ng Manggagawa sa Halalan batay sa itinalagang tungkulin.

Namumuno sa Sentro ng Pagboto at Katulong na Namumuno

  • Dumalo sa 1-araw na (8 oras kada araw) personal na pagsasanay
  • Kumpletuhin ang isang 3 oras na online na pagsasanay (dapat kumpletuhin bago dumalo sa personal na pagsasanay)
  • Kumpletuhin ang isang 3-oras na pre-tsek ng nakatalagang Sentro ng Pagboto

Klerk ng Sentro ng Pagboto

  • Dumalo sa isang 3-oras na personal na pagsasanay

Mga mapagkukunan

Panoorin ang Paano Maging isang Manggagawa sa Halalan ng County sa County ng L.A.

Panoorin ang Pagsasanay ng May Kapansanan ng County ng L.A. sa Senyas na Wika ng Amerika.

Panoorin ang Pagsasanay ng May Kapansanan ng County ng L.A. na may pagsasalin sa ibat'-ibang wika (tingnan ang mga pagtatakda para sa mga magagamit na wika)

Mahalagang Impormasyon Tungkol sa Mga Manggagawa sa Halalan

Ang Mga Boluntaryong Manggagawa sa Halalan ay dapat sumunod sa mga legal na paghihigpit na ipinataw sa kanila kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga kautusang pagpipigil, mga paghihigpit na ipinataw sa mga rehistradong nagkasala sa sex, o anumang iba pang pagbabawal o limitasyon sa kanilang presensya sa mga lokasyon ng pagboto at dapat abisuhan kaagad ang County kung sila ay ipinagbabawal mula sa paglilingkod sa kanilang nakatalagang lokasyon ng pagboto.

Mga Madalas na Itanong na Katanungan sa Empleyado ng County na Manggagawa sa Halalan

Ang mga tanong sa ibaba para sa mga madalas itanong sa pagiging isang Empleyado ng County na Manggagawa sa Halalan.

Mga Madalas na Itanong na Katanungan

Kailangan ko bang magparehistro upang maglingkod kahit na ako ay hinirang ng aking departamento?

Ang lahat ng Empleyado ng County na Manggagawa sa Halalan (CEEWs) na nagsisilbi bilang Manggagawa sa Halalan ay kailangang magparehistro online upang tulungan ang aming departamento sa pagtatalaga at pagsubaybay. Ang link sa pagpaparehistro ay ibibigay ng iyong departamento.

Saan ako itatalaga para maglingkod?

Ang mga CEEW ay itatalaga upang maglingkod sa isang Sentro ng Pagboto na malapit sa kanilang tahanan o lokasyon ng trabaho, o (kung gugustuhin) saanman sa County ng Los Angeles, kung kinakailangan.

Kailangan ko bang maglingkod sa lahat ng araw na nakatalaga?

Ang mga CEEW ay inaasahang magsilbi sa kabuuan ng kanilang pagtatalaga sa Sentro ng Pagboto. Napakahalaga na ang lahat ng mga Sentro ng Pagboto ay may sapat na mga manggagawa sa halalan upang tulungan ang mga botante sa lahat ng oras. Samakatuwid, hindi namin kayang tanggapin ang mga bahagyang araw ng trabaho o iskedyul.

Mababayaran ba ako para sa pagtatrabaho lampas sa aking mga regular na araw ng trabaho o linggo ng trabaho?

Ang mga CEEW ay makakatanggap ng regular na suweldo, DAGDAG ang overtime o katumbas na oras para sa mga oras na nagtrabaho nang lampas sa normal na araw ng trabaho/linggo ng trabaho.

Pinapayagan ba ang mga CEEW na dumalo sa pagsasanay sa Halalan sa mga regular na oras ng trabaho?

Ang mga CEEW ay kinakailangang dumalo sa mandatoryong personal na pagsasanay at kumpletuhin ang mga online na modyul ng pagsasanay sa mga regular na oras ng trabaho. Dapat makumpleto ang online na pagsasanay bago dumalo sa personal na pagsasanay.

Hindi ako makadalo sa aking naka-iskedyul na personal na klase sa pagsasanay. Maaari ba akong magpanibago ng iskedyul?

Ang mga klase sa personal na pagsasanay ay napaka-limitado. Lubos ka naming hinihimok na dumalo sa naka-iskedyul na klase ng pagsasanay. Kung makaligtaan mo ang iyong naka-iskedyul na klase, maaaring wala nang anumang magagamit na klase na natitira para sa iyo (o malapit sa iyo.) Kung talagang hindi ka makadalo, mangyaring mag-email sa aming opisina sa countyelectionworker@rrcc.lacounty.gov aat gagawin namin ang aming makakaya upang tulungan ka sa paghahanap ng ibang klase.

Paano ko maa-akses ang online na pagsasanay?

Ang link sa 3-oras na online na pagsasanay ay makikita sa pamamagitan ng pag-klik sa tab ng Pagsasanay ng iyong Portal ng Manggagawa sa Halalan. Makikita mo rin ang iyong username at password para sa online na pagsasanay sa kanang sulok sa itaas ng pahinang iyon. I-klik ang link, ipasok ang iyong username at password, at magkakaroon ka ng akses.

Nakatira ako sa labas ng County ng Los Angeles, maaari ba akong lumahok sa Programa ng Empleyado ng County na Manggagawa sa Halalan (CEEWP)?

Oo, Kung ikaw ay isang empleyado ng County ng Los Angeles na hinirang na lumahok, maaari kang lumahok sa CEEWP kahit na pisikal kang nakatira sa labas ng County ng Los Angeles, hangga't naglilingkod ka sa isang Sentro ng Pagboto sa loob ng County ng Los Angeles.

Kung maglilingkod ako bilang isang Manggagawa sa Halalan sa ibang county, babayaran pa rin ba ako ng aking regular na suweldo?

Nalalapat LAMANG ang paglahok sa CEEWP sa mga Empleyado ng County ng Los Angeles na hinirang na maglingkod bilang mga Manggagawa sa Halalan sa County ng Los Angeles. Hindi namin patakaran na bayaran ang mga suweldo ng Manggagawa sa Halalan na naglilingkod sa labas ng County ng Los Angeles.

Maaari ba akong humiling na baguhin ang aking lokasyon kapag nakatalaga na ako sa isang Sentro ng Pagboto?

Dahil sa mahigpit na mga alituntunin at estratehikong pagpaplano na napupunta sa pagtatalaga, napakahirap na muling italaga ang mga Manggagawa sa Halalan sa ibang Sentro ng Pagboto. Gayunpaman, kung mayroon kang napapanahong pangyayari na nakapalibot sa iyong kahilingan, mangyaring mag-email sa countyelectionworker@rrcc.lacounty.gov at susubukan naming tanggapin ka.

Paano papatunayan ng aking superbisor na nagsilbi ako sa Araw ng Halalan?

Kung humiling ang iyong superbisor ng patunay ng serbisyo, mangyaring humiling ng nilagdaang Patunay ng Serbisyo mula sa Namumuno ng Sentro ng Pagboto sa iyong lugar ng Sentro ng Pagboto.

Kanino ako makikipag-ugnayan kung hindi ako maaari na maglingkod dahil sa isang tunay situwasyong pang-emerhensiya at kailangang mag-kansela?

Kung ikaw ay hindi na maaari upang maglingkod dahil sa isang tunay na situwasyong pang-emerhensiya, mangyaring makipag-ugnayan sa aming opisina sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng telepono sa (562) 462-2023 o mag-email sa countyelectionworker@rrcc.lacounty.gov

Ipapatupad ba ang pag-iingat na may kaugnayan sa COVID-19?

Magiging naaangkop ang lahat ng kinakailangang mga alituntunin ng DPH, kabilang dito ang pagbibigay ng PPE, na kinabibilangan ng mga materyales sa paglilinis upang matiyak na ang mga Sentro ng Pagboto ay pinananatiling ligtas at nalinis sa buong panahon ng pagboto at Araw ng Halalan.

Icon - Close