Sertipikasyon ng mga Resulta (Pagbilang ng mga Boto)
Gabi ng Halalan
Pagkatapos na magsara ang lugar ng botohan ng 8 ng gabi sa Araw ng Halalan, lahat ng mga naihulog na balota ay ise-selyado, sisiguruhin at dadalhin ng mga diputadong syerip upang sentral na maitala sa Punong-Tangapan ng RR/CC: 12400 Imperial Hwy., Norwalk, CA 90650. Ang pagbilang sa Gabi ng Halalan ay magsasama sa mga balota mula sa lugar ng halalan pati na ang mga balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo na natanggap at naproseso mag mula Lunes bago ang Araw ng Halalan.
Panghuling Pagtatala ng Opisyal na Boto (Pagbilang ng mg Boto)
Ang pagbilang ng mga balota ay hindi natatapos sa Gabi ng Halalan. Ang RR/CC ay nagsisiguro na lahat ng mga balota ay nabilang. Pagkatapos ng Gabi ng Halalan sa isang pangkalahatang halalan, mayroong libo-libong balota na kailangang bilangin, kasama na ang mga balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo na natanggap sa Araw ng Halalan, mga probisyonal na balota, mga isinusulat-lamang na balota at mga napinsalang balota. Ang mga balota ay binibilang sa loob ng 28 araw na tinatawag na Opisyal na Pagbibibilang ng Boto. Ang mga balota ay nangangailangan ng karagdagang pagrepaso upang patunayan kung nararapat bomoto ang botante at kung ang mga isinusulat-lamang na balota ay naihulog sa mga kwalipikadong kandidato.
Ang Batas ng estado ng California ay nag-aatas sa RR/CC na kumpletuhin at sertipikahan ang mga resulta sa loob ng 28 araw. Kinikilala ng probisyon ng batas ang masalimuot na pagtatapos ng pagbibilang ng mga balota at pagsasagawa ng masinsing pagtutuos ng mga resulta para masiguro ang ganap na katumpakan ng mga ito.
Kinikilala ng RR/CC na mahirap para sa mga kandidato/mga kampanya na nabilang sa mga malapitang labanan para hintayin ang mga resulta ng halalan. Ang mga proseso ng legal na utos na isinaad sa itaas ay ginagamit para garantiyahan na ang lahat ng balota ay nabilang at naisama sa opisyal na panghuling pagbilang ng balota.
Pagsusuri ng mga Resulta ng Halalan
Ayon sa batas, isang walang pili ng mga halimbawang balota mula sa bawat halalan ang kailangang itala upang mapatunayan ang bilang ng mga makina sa Gabi ng Halalan. Ang pinakamaliit na isang porsiyento ng lahat ng naihulog na balot ay kasama sa proseso, na kung tawagin ay 1% Manuwal na Pagbilang na Pagsusuri.
Obserbasyon ng Publiko
Iniimbitahan ang mga Kandidato at ang publiko na obserbahan ang pagbibilang ng mga balota at ang proseso ng pagsusuri. Ang Plano ng Panel ng Tagamasid sa Halalan ay makukuha sa Mga Darating na Halalan. Pagkatapos ng Gabi ng Halalan, ang mga nakatakdang pinakabagong resulta ng halalan ay ipapaskil sa pintuan ng punong-tangapan ng RR/CC at sa online.
Muling Pagbilang, Pagpapaalis sa Katungkulan at Mga Inisyatibo