Ang Batas sa mga Karapatan sa Pagboto, unang pinagtibay noong 1965 at pinalawig noong 1970, 1975, 1982, at 2006 ay pangkaraniwang itinuturing na pinakamatagumpay na batas sa mga karapatang sibil na pinagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos. Ang Batas ay nagsasakodigo at nagpapatibay ng permanenteng garantiya ng Ika-15 Susog sa buong bansa, walang tao na dapat pagkaitan ng karapatang bumoto dahil sa lahi o kulay. Bilang karagdagan, ang Batas ay nagtataglay ng ilang mga espesyal na tadhana na nagpapataw na mas mahigpit na mga iniaatas sa mga partikular na hurisdiksiyon sa buong bansa.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Batas sa mga Karapatan sa Pagboto, mangyaring bisitahin ang Unang Pahina ng Dibisyon sa mga Halalan ng Kagawaran ng Hustisya.