Mga Karapatan ng mga Botante na may Kapansanan
Ano ang Batas?
Ang apat na pederal na batas ay may espesyal na kahalagahan sa may mga kapansanan at matatandang botante na may tiyak na pangangailangan.
- Batas sa Mga Karapatan sa Pagboto ng 1965: Sinumang botante na nangangailangan ng tulong ay maaaring matanggap ito mula sa isang tao na pinili ng botante, maliban sa tagapag-empleyo ng botante o opisyal na ahente ng tagapag-empleyo o opisyal o ahente ng unyon ng botante.
- Batas sa Kalagayan sa Paggamit sa Pagboto para sa Matatanda at May Kapansanan, 1984: Itinataguyod ang pangunahing karapatang bumoto sa pamamagitan ng paghingi ng "kalagayan ng paggamit para sa mga matatanda at may kapansanan na mga indibidwal sa mga pasilidad sa pagpaparehistro at mga sentro ng boto sa mga pederal na halalan".
- Batas sa mga Amerikanong may Kapansanan ng 1990 (ADA): Kinakailangan ang mga pampublikong entidad na magbigay ng kalagayan ng paggamit sa programa, makatuwirang pagbabago ng patakaran, at mga pantulong na tulong at serbisyo kung saan kinakailangan upang makayanan ng isang indibidwal na may kapansanan ng isang pantay na pagkakataon na lumahok at tamasahin ang mga benepisyo ng serbisyo, programa o aktibidad na isinagawa ng isang pampublikong entidad.
- Batas na Tulungan ang Amerika na Bumoto ng 2002 (HAVA): Bagong pederal na batas na nagbibigay-daan sa mas malawak na pagkakataon para sa paggamit at paglahok sa proseso ng halalan, kasama ang mga probisyon tungkol sa madaling maabot na mga teknolohiya sa pagboto sa mga sentro ng boto hanggang 2006.
Mga Serbisyong TDD para sa mga Bingi at Mahina ang Pandinig
Isang makinilya ng teksto ng TDD ang magagamit para tanggapin ang mga tawag mula sa sinumang mamamayan na may mahina ang pandinig. Ang numero ng TDD ay (800) 815-2666 Opsyon 2.
Mga Audio CD ng Halimbawang Balota
Ang mga audio ng halimbawang balota ay mga rekording ng mga impormasyon ng nakalimbag na mga buklet ng mga Panukala ng Estado at mga Panukala ng County para sa primarya at pangkalahatang halalan na makukukuha kapag hiniling sa isang pangunahing halalan. Mangyaring mag-email ng impormasyon ng pakikipag-ugnay sa jkeh@rrcc.lacounty.gov upang humiling ng isang audio ng halimbawang balota. Upang makakuha ng rekording ng panukala ng estado, makipag-ugnay sa Kalihim ng Estado ng California o kumuha ng kopya mula sa Seksyon ng Impormasyon sa Halalan sa Norwalk sa (800) 815-2666, opsyon 4 o mula sa mga aklatan ng lungsod at county at sa Braille Institute. Ang mga CD ay tinatayang magagamit apat na linggo bago ang halalan.
Bagong Napupuntahang Karanasan sa Pagboto
Ang mga Sentro ng Pagboto ngayon ay mas marami nang opsyon kaysa mga lugar ng pagboto, ginagamit ng RR/CC ang mga benipisyo ng teknolohiya para sa madali at napupuntahang karanasan sa pagboto. Ang mga halalan ay hindi na isang-araw na kaganapan at ang mga botante na may kapansanan ay hindi na kailangang bumoto sa isang nakahiwalay na kubol ng botohan. Ang Mga Solusyon Sa Pagboto Para Sa Lahat Ng Mga Tao (VSAP) ay dinisenyong maging natural ang paggamit at mapupuntahan ng lahat na botante, na di alintana ang kondisyon ng kapansanan. Ang kagamitang pangmarka ng balota ay nagbibigay ng isang pribado at indipendiyenteng karanasan ng pagboto na napupuntahan at maginhawa.
Mga Mapagkukunan sa Pagkakaroon ng Daan sa Pagboto ng Botante
- Para alamin ang iba pa tungkol sa pagkakaroon ng daan sa pagboto sa mga Sentro ng Pagboto, bisitahin ang Pagkakaroon ng Daan sa Pagboto sa Sentro ng Pagboto na pahina.
- Ang Malayong Paggamit na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ay nagbibigay sa mga botante ng kakayahan na magamit, basahin at markahan ang kanilang mga balota ng pribado gamit ang kanilang mga pantulong na kagamitan.
- Ang Interaktibong Halimbawang Balota ay opsyonal na kagamitan na nagpapahintulot sa mga botante na gamitin, repasuhin at markahan ang kanilang mga pinili bago pumunta sa Sentro ng Pagboto. Ang Interaktibong Halimbawang Balota ay hindi pagboto sa online at hindi nag-iimbak ng anumang makikilalang impormasyon, kapag ginamit mo ang iyong Halimbawang Balota lahat ng iyong mga pinili ay naiimbak sa iyong telepono, kompyuter o personal na kagamitan.
Mga Pagpapayo sa Pagkakaroon ng Daan
Ang Komite ng Pagpapayo sa Pagkakaroon ng Daan sa Pagboto (VACC) ay itinatag noong 2006 upang tulungan ang Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County sa pagpapatupad ng mga makabagong istratehiya, pati na rin ang pagbutihin ang paggamit at partisipasyon sa proseso ng halalan ng mga indibidwal sa kabuuan ng lahat ng mga kapansanan.
Alamin ang iba pa tungkol sa Komite ng Pagpapayo sa Pagkakaroon ng Daan sa Pagboto.