Interaktibong Halimbawang Balota
Magtipid ng oras sa Sentro ng Pagboto
Ang Interaktibong Halimbawang Balota ay isang opsyonal na gamit na nagpapahintulot sa mga botante na mapuntahan, suriin at markahan ang kanilang mga pinili bago pumunta sa isang Sentro ng Pagboto. Ang Interaktibong Halimbawang Balota ay HINDI isang online na pagboto at hindi nag-iimbak ng makikilalang impormasyon, matapos mong puntahan ang iyong Halimbawang Balota lahat ng iyong mga pinili ay ma-iimbak sa iyong telepono, kompyuter o personal na kagamitan.
Madalas na Mga Katanungan
- Ano ang Interaktibong Halimbawang Balota?
Ang Interaktibong Halimbawang Balota ay isang digital na bersyon ng iyong buklet ng halimbawang balota na magpapahintulot sa iyo upang pumili at gumawa ng isang Pases sa Pagboto.
- Ano ang isang Pases sa Pagboto?
Ang Pases sa Pagboto ay isang kodigong QR na naglalaman ng iyong mga pinili. Maaari mong ilipat ang iyong mga pinili mula sa iyong Pases sa Pagboto sa isang kagamitang Pangmarka ng Balota sa alinmang sentro ng pagboto.
- Ang aking personal na impormasyon ba ay naiimbak sa Pases ng Pagboto?
Hindi. Ang Pases ng Pagboto ay nagsi-save ng iyong klase ng balota at iyong mga pinili. Walang impormasyon tungkol sa iyo ang naiimbak.
- Ang aking mga pinili ba ay pribado?
Oo. Ang iyong mga pinili ay naka-save lamang sa iyong Pases ng Pagboto o sa iyong personal na kagamitan.
- Ako ba ay kinakailangang gumamit ng Interaktibong Halimbawang Balota at Pases sa Pagboto?
Hindi. Ang Interaktibong Halimbawang Balota at Pases sa Pagboto ay mga opsyonal na kagamitan para mapabilis ang iyong karanasan sa pagboto sa sentro ng pagboto.
- Saan ako makakahanap ng isang Sentro ng Pagboto?
Makakahanap ka ng isang Sentro ng Pagboto sa pag-klik dito.