Skip to Content

Paano Kumuha ng Balota

Ang mga botanteng militar at nasa ibayong dagat ay makakahiling ng Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (di-makakarating) sa pamamagitan ng paggamit ng Aplikasyon para sa Pederal na Post Card (FPCA).

AB 1589

Seksyon 1. Seksyon 3120 ng Kodigo sa Halalan ay binago para mabasa ng:

3120. Ang mga opisyal ng halalan ay hihiling ng isang elektronikong direksyon ng tirahang pang-koreo mula sa bawat botanteng militar at nasa ibayong dagat na nagparehistro para bumoto. Ang isang militar at nasa ibayong dagat na nagbigay ng elektronikong direksyon ng tirahang pang-koreo ay maaaring humiling na ang kanyang aplikasyon para sa isang balota ay maisaalang-alang na isang tumatayong kahilingan para sa elektronik na paghahatid ng isang balota para sa lahat ng halalan na isinagagawa sa hurisdiksyon kung saan siya karapat-dapat na bumoto. Ang isang opisyal ng halalan ay dapat magbigay ng elektronik na paghahatid ng isang balota sa isang militar at nasa ibayong dagat na may tumatayong paghiling para sa lahat ng halalan na isinagagawa sa hurisdiksyon kung saan siya karapat-dapat na bumoto.

Kung gusto mong kilalanin ka ng County ng Los Angeles bilang isang botanteng militar at nasa ibayong dagat, dapat mong kumpletuhin ang FPCA at humiling ng Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.

  • Kumuha ng Aplikasyon para sa Pederal na Post Card (FPCA)
  • Kumpletuhin ang FPCA
    • Para sa mga katanungan o tulong sa pagkumpleto ng pormang ito, bisitahin ang Website ng Pederal na Programang Tulong sa Pagboto.
    • Sa sandaling makumpleto mo ang iyong FPCA, dalawang beses suriin ang aplikasyon upang matiyak na tama ang lahat ng impormasyon.
  • Iharap ang FPCA sa Isa sa Tatlong Paraan
    • Mag-email ng isang kinopyang porma sa militaryoverseasAV@rrcc.lacounty.gov
    • I-fax ang porma sa (562) 462-2354
    • Ipadala sa koreo ang porma sa:

      Los Angeles County Registrar-Recorder/County Clerk

      Vote by Mail Section

      P.O. Box 30450

      Los Angeles, CA 90030-0450

    Tala: Ang porma ng FPCA ay dapat  matanggap ng opisina ng Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County pitong (7) araw bago ang isang halalan. Inirerekomenda na ang mga botanteng nasa labas ng Estados Unidos ay mag-aplay sa pinakamaagang panahon na magagawa upang matiyak ang nasa oras na paghahatid at pagbabalik ng kanilang balota. Ang mga binotohang balota ay dapat makarating sa opisina bago lumampas ang ika-8 ng gabi sa Araw ng Halalan.
  • Kunin ang Iyong Balota: Matatanggap mo ang isang Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo sa isang Opisyal na Halimbawang Balota.

  •  

Icon - Close