Plano sa Pangangasiwa ng Eleksyon
Pangkalahatang Tanaw
Inilalarawan ng Plano sa Pangangasiwa ng Eleksyon (EAP) ang diskarte ng County ng Los Angeles upang mangasiwa ng mga eleksyon sa ilalim ng Batas sa Pagpili ng Botante ng California. Ipinapaalam ng EAP ang mga plano ng County na magsagawa ng edukasyon at pag-abot ng botante, mangalap ng tauhan at pumili ng mga lokasyon ng Sentro ng Pagboto at Kahong Hulugan ng Balota, lohistika ng paglalagay ng mga tauhan at mga serbisyong multilinggwal, mga plano sa seguridad at anumang maaaring mangyari, at higit pa.
2022 Plano sa Pangangasiwa ng Eleksyon
Plano sa Pangangasiwa ng Eleksyon
Presentasyon ng Plano sa Pangangasiwa ng Halalan
Presentasyon ng Plano sa Pangangasiwa ng Halalan
2020 Pagbabago sa Plano sa Pangangasiwa ng Eleksyon
Ang County ng Los Angeles ay nagpatupad ng mga pagbabago sa pangangasiwa ng Pangkalahatang Eleksyon ng Pangulo mula noong inaprubahan ng Kalihim ng Estado ang EAP noong ika-17 ng Enero, 2020.
Pagbabago sa EAP
2019 Plano sa Pangangasiwa ng Eleksyon
Ang EAP ay unang ginawa at naipahayag sa aming website para sa pampublikong pagsusuri at bukas para sa mga komento ng publiko. Ang Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County ng County ng Los Angeles pagkatapos ay nagtanghal ng 5 Pampublikong Pandinig sa buong County at tumanggap ng mga komento ng publiko nang personal. Ang bawat Pampublikong Pagdinig ay naitala at maaaring matingnan gamit ang mga link na makikita sa ibaba. Ang EAP ay binago sa kalaunan upang isama ang mga puna na natanggap sa pamamagitan ng proseso ng komento ng publiko at isinumite sa Kalihim ng Estado ng California (SOS) para sa pag-apruba. Sinuri at inaprubahan ng SOS ang panghuling EAP. Ang huling EAP ay ganap na maa-akses at magagamit sa 13 mga wika.
Plano sa Pangangasiwa ng Eleksyon