Community & Voter Outreach Committee
Tungkol sa CVOC
Sino ang Komite sa Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante (CVOC)?
Ang Komite sa Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante (CVOC) ay isang pagtutulungan sa pagitan ng Tagaparehistro-Tagapagtala/Klerk ng County ng Los Angeles at mga organisasyon ng mamamayan, komunidad at pagtataguyod. Sa pamamagitan ng komite, ang mga mamamayan ay gumaganap ng aktibo at nakikipagtulungang tungkulin sa pagtatrabahong kasama ng mga opisyal sa Halalan ng County upang matiyak na ang mga halalan ay patas, nagagawang lahukan at malinaw para sa lahat ng mga botante. Mula nang simulan noong 1998 ang komite ay naging huwaran ng paglahok ng mamamayan sa pamahalaan.
Ano ang Misyon ng CVOC?
Ang misyon ng komite ay upang padaliin ang kumunikasyon at pagtutulungan sa pagitan ng komunidad at Tagapagrehistro ng mga Botante tungkol sa mga paraan upang turuan, palahukin at pagkalooban ng mahusay na serbisyo at tiyakin ang kakayahang makagamit ng lahat ng mga botante.
Ano ang ginagawa namin?
Ang CVOC ay nagtatrabahong kasama ng iba't ibang sektor ng komunidad sa pagkakaloob ng mas mahusay na mga serbisyo sa mga botanteng may mga partikular na pangangailangan, mga botanteng may mga pangangailangan ng tulong sa wika, at sa pagtulong na mamahagi ng impormasyon tungkol sa mga mahahalagang isyu, tulad ng mga pansamantalang balota, isinaling mga materyal sa halalan at mga sistema ng pagboto.
Mga Tampok sa Pagtutulungan:
- 1-800 na Nakahandang Linya: Gamitin ang nakahandang linya ng organisasyon at magtrabahong kasama ng RR/CC sa pagtulong sa mga botanteng may mga katanungan tungkol sa mga librito ng halimbawang balota, mga lokasyon ng pagboto at paghiling ng mga materyal sa iba't ibang wika
- Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante: imbitahan ang mga tauhan ng RR/CC upang magharap ng mga bagong isyung makakaapekto sa mga botante sa kabuuan
- Kasalukuyan at darating na mga isyu: Kumalap ng mga manggagawa sa botohan sa mga lugar na pagkaraniwang mahirap kumalap
- Pagsasanay sa manggagawa sa botohan: Humanap ng mga pasilidad at mga boluntaryo
- Edukasyon ng botante: Lagyan ng mga tauhan ang mga kubol sa lokal na ginaganap at mga aktibidad upang turuan ang mga botante tungkol sa mga pamamaraan ng halalan at ang mga bagong paraan ng pagboto, na kabilang ang Pagboto sa Pamamagitan ng InkaVote Plus at Kubol ng Balotang Audio
- Pagpaparehistro ng botante: Itaguyod at irehistro ang mga mamamayan
- Sistema ng Pagboto: Kumuha ng komentaryo mula sa mga grupo ng komunidad para sa pagpili ng bagong sistema ng pagboto.
Sa kasalukuyan, 120 organisasyon at 200 kinatawan ang regular na dumadalo sa mga pulong ng CVOC tuwing ikatlong buwan. Ang mga pulong ay bukas sa publiko at lahat ng mga interesadong organisasyon. Kung ikaw o ang iyong organisasyon/grupo ay gustong dumalo o tumanggap ng karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay:
Julia Keh
Tagapag-ugnay ng CVOC
Telepono:(562) 462-2754
Fax:(562) 651-1035
Email: jkeh@rrcc.lacounty.gov
Department of Registrar-Recorder/County Clerk
12400 Imperial Highway, 7th Floor
Norwalk, CA 90650