Pampublikong Pagmamasid
Tungkol sa Pampublikong Pagmamasid
Ang Kodigo ng Halalan ng California ay nagpapahintulot sa publiko na magmasid sa iba't ibang aktibidad na may kaugnayan sa halalan. Ang pampublikong pagmamasid ay nagbibigay ng isang magandang pagkakataon upang tingnan at malaman ang tungkol sa iba't ibang aktibidad na nangyayari sa pagsasagawa ng isang halalan.
Hindi kinakailangang gumawa ng mga kaayusan nang maaga, ngunit nakakatulong na ipaalam at iiskedyul nang maaga sa aming opisina ang isang nakaplanong pagbisita.
Mag-email sa outreach@rrcc.lacounty.gov upang makipag-ugnayan sa pagbisita o para magtanong ng mga tanong na may kaugnayan sa halalan.
Plano ng Lupon ng Tagamasid ng Halalan
Ang Plano ng Lupon ng Tagamasid ng Halalan (EOPP) ay ipinapatala sa opisina ng Kalihim ng Estado ng California at magagamit upang tingnan sa Pahina ng Kasalukuyan at Paparating na Mga Halalan. Pagkatapos ng Gabi ng Halalan, ang iskedyul ng mga resulta ng pagkatapos ng-Gabi ng Halalan ay ipapaskil sa pasukang pintuaan ng Punong Tanggapan sa Norwalk at makukuha sa Pahina ng Kasalukuyan at Paparating na Halalan.
Ang Mga Kailangan Mong Malaman Bago Bumisita
Pampublikong Impormasyon sa Kalusugan ng COVID-19
Susunod ang lahat ng pasilidad sa kasalukuyang mga patnubay sa kalusugan at kaligtasan ng publiko. Kung ang isang tagamasid ay hindi sumunod sa mga nakabalangkas na mga patakaran, hihilingin sa kanila na umalis.
- Kinakailangan ang mga panakip sa mukha habang nasa loob ng ating mga pasilidad at dapat na takpan ang ilong at bibig sa lahat ng oras.
- Ipapatupad ang social distancing. Marami sa mga lugar ng pagmamasid ay magkakaroon ng mga marka sa sahig o mga hangganan.
- Magagamit ang hand sanitizer sa lahat ng pasilidad sa pasukan at labasan.
Mga Panuntunan sa Pampublikong Pagmamasid
Ang pagpapanatili ng seguridad sa balota at pagka-pribado ng botante ang aming pangunahing layunin. Inaanyayahan ang mga miyembro ng publiko na obserbahan at tingnan ang iba't ibang mga operasyon at proseso na may kaugnayan sa halalan ngunit dapat sundin ang mga panuntunang nakabalangkas sa ibaba.
Kung ang isang miyembro ng publiko ay tumangging sundin ang mga patakaran na nakabalangkas sa ibaba, hihilingin sa kanila na umalis.
Ang buong listahan ng mga panuntunan at alituntunin ay makikita sa Mga Panuntunan sa Pagmamasid sa Publiko.