Skip to Content

Mga Solusyon sa Pagboto para sa Lahat ng Mga Tao (VSAP) Sentro ng Demonstrasyon

new ballot marking device


Saliksikin ang Bagong Karanasan sa Pagboto sa isang Sentro ng Demonstrasyon ng VSAP

Kung paano at saan ka boboto sa 2020 ay magbabago na sa madaling panahon

Maging pamilyar sa karanasan sa pagboto sa bagong Mga Solusyon sa Pagboto para sa Lahat ng Mga Tao (VSAP) sa isa sa aming Sentro ng Demonstrasyon.

Ang mga Sentro ng Demonstrasyon ay regular na magbubukas sa mga karaniwang araw at mga Sabado at Linggo. Sinuman ay maaaring bumisita sa isang Sentro ng Demonstrasyon upang subukan ang bagong lubos na napupuntahang Kagamitang Pangmarka ng Balota (BMD) at tingnan ang Elektronikong Aklat ng Botohan.

Kami ay magtataguyod ng 10 Sentro ng Demonstrasyon sa buong County ng Los Angeles sa isang paikot na batayan hanggang Enero 2020.

Kung ikaw ay interesado sa pagtataguyod ng isang presentasyon ng impormasyon sa VSAP o nais ng isang demonstrasyon ng BMD, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa outreach@rrcc.lacounty.gov



demo center locator tool


Ito ang Pagboto sa 2020



1,000 mga sentro ng pagboto. 11 araw. Bumoto kahit saan.



Ano ang Nagbago

Sa taong 2020, ang County ay maghaharap ng isang bagong sistema ng pagboto, ang Mga Solusyon sa Pagboto Para sa Lahat ng Mga Tao. Ang sistemang ito ay pasadyang dinisenyo para lamang sa mga botante ng County ng L.A. - tingnan natin:

Vote Center BMD

Ang Kagamitang Pangmarka ng Balota

Ang mga benepisyo ng teknolohiya para sa isang madali at napupuntahang karanasan sa pagboto - sa isang papel na balota.

Matuto ng higit pa

Vote Center ISB

Ang Interaktibong Halimbawang Balota

Isang maginhawang paraan para pabilisin ang proseso ng pagboto na magbibigay sa mga botante na gumawa ng kanilang mga pagpili bago pumunta sa isang sentro ng pagboto.
Matuto ng higit pa

Vote Center ePollbook

Ang Elektronikong Aklat ng Botohan

Isang modernong paraan para mag check-in at isapanahon ang iyong rehistrasyon sa alinmang sentro ng pagboto sa County.
Matuto ng higit pa



Sabihin sa Iyong Komunidad

I-download at ipamahagi ang mga materyales sa ibaba sa iyong komunidad!

Icon - Close