Skip to Content

Translation Services

KASAYSAYAN

Noong 2006, ipinasa ang isang pederal na batas, na nagpapalawig ng mga tadhana sa minoryang wika ng Batas ng mga Karapatan sa Pagboto (VRA) ng 1965. Alinmang county na may higit sa 10,000 residente na ang katutubong wika ay hindi Ingles at nagpabatid sa kanilang porma ng Sensus ng Estados Unidos ng kawalan ng kasanayan sa Ingles, ay inaatasang magkaloob ng mga materyal sa halalan sa mga tinukoy na wika. Ang isang wika ay itinuturing na saklaw ng VRA bilang sapilitan para sa isinaling mga materyal sa halalan ng County kung (1) higit sa 5% ng mga mamamayan na nasa edad na makakaboto ay mga miyembro ng iisang wikang minorya at limitado ang kasanayan sa Ingles O (2) higit sa 10,000 ng mga mamamayan na nasa edad na makakaboto ay mga miyembro ng iisang wikang minorya at limitado ang kasanayan sa Ingles.

MGA IPINAG-UUTOS NA WIKA

Ang County ng Los Angeles ay kasalukuyang inaatasan na magkaloob ng mga sumusunod na tulong sa wika sa mga botanteng saklaw ng VRA bilang karagdagan sa Ingles:

Tsino

Hindi

Hapon

Khmer

Koreano

Espanyol

Tagalog/Filipino

Thai

Biyetnamis

MGA SERBISYO

Ang mga Serbisyo sa Botante sa Iba't-ibang Wika ng County ng Los Angeles ay itinatag upang magkaloob ng mga serbisyo sa mga botanteng nangangailangan ng tulong sa wika. Ang mga serbisyong ito ay kabilang ang:

  • Isinaling mga Materyal sa Halalan
  • Ang isang isinaling librito ng halimbawang balota ay ipapakoreo sa mga botanteng humiling ng mga materyal sa wika. Ang isang librito ng halimbawang balota ay naglalaman ng isang listahan ng mga kandidato, impormasyon tungkol sa kandidato at mga panukala, at nagkakaloob ng impormasyon tungkol sa kung saan dapat bumoto, paano humiling ng isang balota ng pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo, at tagubilin kung paano dapat gamitin ang kagamitan sa pagboto.

  • Tulong sa Dalawang Wika sa Lugar ng Botohan
  • Ang mga botanteng limitado ang kasanayan sa Ingles ay makakatanggap ng tulong sa kanilang wika, sa Araw ng Halalan, sa karamihan ng mga lugar ng botohan sa buong County.

  • Tuwirang Linya ng Tulong sa Dalawang Wika: 1- 800- 481- 8683
  • Ang mga botante ay maaaring tumawag sa isang walang bayad na numero upang humiling na ipakoreo sa kanila ang isinaling mga materyal sa bawat halalan. Sila ay makakatanggap din ng impormasyon tungkol sa o humiling ng mga lokasyon ng lugar ng botohan, mga kard ng pagpaparehistro ng botante sa dalawang wika, isinaling aplikasyon para sa pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo at mga librito ng halimbawang balota.

Mga Materyales ng Halalan

Icon - Close