Mga tagasubaybay ng botohan ay mga taong interesado sa mga pamamaraan ng halalan na karapat-dapat magmasid sa mga ginagawa sa mga oras ng pagboto. Gayunman, ang mga tagasubaybay ng botohan ay hindi maaaring gumambala sa proseso ng halalan o humadlang sa karapatan ng isang botante na magpatala ng isang lihim na balota. Ang mga tagasubaybay ng botohan ay madalas na kumakatawan sa mga kandidato, mga kampanyang pampulitika at/o mga organisasyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagsubaybay sa botohan, pangangampanya at mga tagapagbalita at mga lugar ng botohan, basahin ang Isang Patnubay para sa mga Bantay sa Botohan.
Mga Patnubay para sa Pagmamasid sa Lugar ng Botohan
- Ang pagmamasid ay nagsisimula kapag ang mga lugar ng botohan ay nagbukas sa ika-7 ng umaga. Ang mga tagapagmasid ay dapat magpatala sa inspektor ng lugar ng botohan. (E.C. § 14221)
- Ang tungkulin ay masdan ang mga pamamaraan. Ang paghipo o paghawak sa alinmang mga balota o materyal sa halalan ay ipinagbabawal.
- Ang mga aksyon ng isang tagamasid ay hindi maaaring humadlang sa pagproseso ng mga botante o maging dahilan upang matakot ang mga botante. Kung ang iyong mga aksyon ay nadamang tumatakot sa mga botante o nakakagambala sa proseso ng pagboto ikaw ay paaalisin. (E.C. § 18370, 18540, 18541)
Ang mga tagamasid ay hindi maaaring sumalungat sa sinumang botante na nasa loob o nasa 100 talampakan ng lugar ng botohan. (E.C. § 14240)
- Ang mga katanungan tungkol sa mga pamamaraan ay dapat itanong sa inspektor na namamahala. Ang mga tagapamasid ay dapat magbigay ng paunawa sa inspektor kapag aalis para magpahinga at para sa pagtatapos ng gabi.
- Kung naniniwala ka na ang mga itinatag na pamamaraan ay hindi sinusunod, mag-ulat sa inspektor at gamitin ang Talaan ng Pag-uulat ng Tagamasid upang itala ang insidente kabilang ang numero ng presinto, numero ng grupo, oras ng insidente at anumang ibang mga detalye na may kaugnayan sa problema.
- Ang mga tagamasid ay hindi maaaring:
- Humipo sa anumang mga materyal sa pagboto o kagamitan o umupo sa mga mesa ng gawain ng opisyal.
- Makipag-usap sa mga botante (sa loob ng 100 talampakan sa isang lugar ng botohan) tungkol sa pagpapatala ng isang boto, o makipag-usap sa isang botante tungkol sa kanyang mga kuwalipikasyon upang makaboto.
- Magpakita ng anumang materyal sa halalan o magsuot ng mga tsapa, buton o kasuutan ng kampanya.
- Magsuot ng uniporme ng isang opisyal na pangkapayapaan, isang pribadong guwardiya o tauhang panseguridad.
- Gumamit ng mga selular na telepono, mga pager, o dalawang-direksiyon na radyo sa loob ng lugar ng botohan at/o sa 100 talampakan ng pasukan sa lugar ng botohan.
- Gumamit ng mga telepono, mga kompyuter o ibang mga pasilidad ng lugar ng botohan sa mga lugar ng botohan o sa sentral na lugar ng pagbilang.
- Humipo ng mga tauhan ng halalan.
- Kumain o uminom sa loob ng mga lugar ng botohan.
- Makipag-usap sa mga manggagawa ng presinto habang sila ay nagpoproseso ng mga botante/mga balota.
- Tumulong sa mga pagpapatakbo sa alinmang lugar ng botohan.
- Ang seguridad ng balota at pag-iingat ng mga kritikal na materyales sa halalan ay isang pangunahing alalahanin. Kung napapansin ng mga manggagawa sa halalan na ang isang tagamasid ay lumalabag, hihilingin siyang umalis.
Upang makakuha ng kaalaman tungkol sa obserbasyon sa Mga Punong-Tanggapan ng Sentro ng Pagbilang sa Norwalk, sumangguni sa Plano ng Lupon ng Tagamasid sa Halalan sa ilalim ng Mga Darating na Halalan.