Bilang isang botanteng militar o nasa ibayong dagat, mararanasan mo ang proseso ng pagpaparehistro ng botante na katulad ng ibang mga residente sa County ng L.A. Gayunman, mas marami kang pagpipilian para sa paghaharap ng aplikasyon.
Ikaw ba ay isang Karapat-dapat na Militar at Nasa Ibayong Dagat na Botante?
Ikaw ay dapat na isa sa mga sumusunod:
- Isang miyembro na aktibo o reserba sa sandatahang lakas ng Estados Unidos
- Isang asawa o nakadepende sa isang taong nasa sandatahang lakas
- Isang mamamayan ng E.U. na naninirahan sa mga hangganan ng teritoryo ng E.U. o D.C.
(Lahat ng mga aplikante na may Katayuan na Botanteng Militar at Nasa Ibayong Dagat ay dapat makatugon sa mga iniaatas sa pagpaparehistro ng botante.)
Sa ilalim ng Pederal na Batas ng 1986 na UOCAVA, ang mga militar/nakaunipormeng miyembro ng serbisyo at mga mamamayan ng Estados Unidos na naninirahan sa labas ng mga hangganan ng teritoryo ng Estados Unidos o ng Distrito ng Columbia dahil sa trabaho, mga programang pag-aaral o serbisyo ng militar (kabilang ang asawa o mga nakadepende sa isang naglilingkod sa militar) ay karapat-dapat na magparehistro upang makaboto at humiling ng isang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (di-makakarating). Ang batas na ito ay pinangangasiwaan ng Pederal na Programang Tulong sa Pagboto.
Paano Magparehistro upang Makaboto
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa (562) 466-1323 o (800) 815-2666.
Muling Magparehistro upang Makaboto
Muling magparehistro kapag ikaw ay:
- Nagpalit ng tirahan
- Nagpalit ng pangalan
- Nagpalit ng partidong pampulitika
Kung ikaw ay tinanggal sa militar o hindi naninirahan sa labas ng mga hangganan ng teritoryo ng Estados Unidos o D.C., dapat kang muling magparehistro sa sariling estado.