Skip to Content

Pagsasanay ng Kinatawang Tagapagrehistro

deputy-registrar-training

Ang Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County ng Los Angeles ay may programang Pagsasanay sa Kinatawang Tagapagrehistro ng County para sa mga organisasyon at mga taong gustong matuto kung paano magrehistro ng mga botante. Ang mga paksa sa pagtuturo ay kabilang ang pagpaparehistro ng mga botante, pagtulong sa mga opisyal ng halalan sa pagkumpleto ng mga porma ng pagpaparehistro ng botante at pag-unawa sa mga Kodigo sa Halalan ng California na may kaugnayan sa mga iniaatas sa pagpaparehistro.

Ang pagsasanay ay ipinagkakaloob nang libre. Ang mga interesadong lumahok ay dapat magparehistro upang makaboto bago maging isang Kinatawang Tagapagrehistro. Ang mga kalahok ay tatanggap ng "Patnubay sa Pagpaparehistro ng mga Botante" at isang Sertipiko ng Kinatawang Tagapagrehistro ng mga Botante pagkatapos matagumpay na makumpleto ang isang oras at kalahating programang pagsasanay.

Ang mga sesyon ng pagsasanay para sa sertipikasyon ay ginaganap sa opisina sa Norwalk ng Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County na matatagpuan sa 12400 Imperial Hwy, Room 5219, Norwalk CA, 90650.

Kung kayo o ang inyong organisasyon ay interesadong lumahok sa programang ito, makipag-ugnayan sa Pakikipag-ugnayan sa Komunidad at Botante sa pamamagitan ng pagtawag sa (562) 345-8364.

Icon - Close