Pangkalahatang Impormasyon
Ang mga kuwalipikasyon ng kandidato at mga iniaatas sa kanila ay depende sa uri ng halalan. Sa California, ang mga kandidato ay dapat na:
Isang nakarehistrong botante at kuwalipikadong bumoto para sa katungkulan sa panahon na ang mga papel ng pagmungkahi ay inisyu sa tao o sa panahon ng paghirang sa tao. (§ 201 ng Kodigo sa mga Halalan)
Ang ibang mga tuntunin ay depende sa idinidikta ng mga lunsod at ng Saligang-batas ng California.
Para sa bawat halalan na isinasagawa ng RR/CC, ang isang Hanbuk ng Kandidato at Patnubay sa Tagapagdulot ay makukuha sa ilalim ng Mga Darating na Halalan.
Ang Hanbuk ng Kandidato at Patnubay sa Tagapagdulot ay nagbibigay ng impormasyon para sa mga primarya at pangkalahatang halalan, tulad ng mga kuwalipikasyon ng kandidato, mga pamamaraan sa paghaharap ng kandidatura at kalendaryo ng mga ginaganap.