Skip to Content

Programa ng Estudyante na Manggagawa sa Halalan

Student Election Workers

Ang Programa ng Estudyante na Manggagawa sa Halalan ay nagbibigay sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan ng isang kapana-panabik na pagkakataon na maglingkod bilang mga Manggagawa sa Halalan sa mga halalan sa County ng Los Angeles.

Ang mga kalahok na estudyante ay tumatanggap ng suweldo para sa kanilang serbisyo kasama ng isang mahusay na karanasan na pagpapakilala sa demokratikong proseso.

Mga Kinakailangan

Ang mga interesadong estudyante ay dapat matugunan ang mga sumusunod na kinakailangan upang makalahok bilang estudyante na manggagawa sa halalan:

  • Dapat ay hindi bababa sa 16 taong gulang sa oras ng halalan
  • Dapat ay nag-aaral sa isang pampubliko o pribadong institusyong pang-sekondaryang edukasyon (Mataas na Paaralan)
  • Isang Mamamayan ng U.S. o Legal na Permanenteng Residente (Mayhawak ng Green Card) ng Estados Unidos
  • Magandang akademikong katayuan: G.P.A. na 2.5 o higit pa
  • Dapat may pahintulot ng guro at magulang

Mag-aplay para maging isang Estudyante na Manggagawa sa Halalan

Una, dapat kumpletuhin ang Porma ng Pagpapahintulot na may mga lagda mula sa karapat-dapat na mag-aaral, magulang o tagapag-alaga ng mag-aaral, at guro o tagapayo ng mag-aaral. Mag-download ng kopya ng Porma ng Pagpapahintulot.

Pangalawa, ilakip ang Porma ng Pagpapahintulot sa online na aplikasyon (link sa ibaba).

Kumpletuhin ang aplikasyon sa online:

MAG-APLAY NGAYON

Mga Resposibilidad ng Estudyante na Manggagawa sa Halalan

  • Dumalo sa pagsasanay
  • Tumulong sa pagbubukas/pagsasara ng Sentro ng Pagboto
  • Tumulong sa pagproseso ng mga botante sa buong araw

Mga Benipisyo sa Paglilingkod bilang isang Estudyante na Manggagawa sa Halalan

  • Makakuha ng kredito sa paglilingkod sa komunidad/kaalaman sa paglilingkod
  • Aktuwal na pagkilala sa demokratikong proseso
  • Magandang tingnan sa mga aplikasyon sa kolehiyo/iskolarsyip at mga resumes
  • Kumita ng $100 bawat araw na paglilingkod sa isang Sentro ng Pagboto
  • Kumita ng $80 sa pagkumpleto ng lahat ng kinakailangang pagsasanay

Mga mapagkukunan

Panoorin ang Paano Maging isang Manggagawa sa Halalan ng County sa County ng L.A.

Panoorin ang Pagsasanay ng May Kapansanan ng County ng L.A. sa Senyas na Wika ng Amerika.

Panoorin ang Pagsasanay ng May Kapansanan ng County ng L.A. na may pagsasalin sa ibat'-ibang wika (tingnan ang mga pagtatakda para sa mga magagamit na wika)

Para sa karagdagang impormasyon sa Programa ng Estudyante na Manggagawa sa Halalan, tawagan kami sa (213) 374-3869 o mag-email sa amin sa studentelectionworker@rrcc.lacounty.gov.

Icon - Close