Skip to Content

Bagong Karanasan sa Pagboto



Madali. Maginhawa. Napupuntahan.

Vote CenterlogoMga Sentro ng Pagboto

Sa County ng L.A., itinaas namin ang kalagayan ng mga lugar ng botohan na maging mga Sentro ng Pagboto. Ang mga botante ngayon ay mayroong opsyon na magpatala ng kanilang balota ng personal sa alinmang Sentro ng Pagboto sa County. Ang mga Sentro ng Pagboto ay kamukha at parang mga lugar ng botohan, subali't nagdudulot ng karagdagang modernong mga katangian na ginagawang madali at maginhawa ang pagboto.

Ang buong listahan ng Mga Sentro ng Pagboto para sa ika-3 ng Marso Pampanguluhang Primaryang Halalan ay magiging handa na sa lalong madaling panahon.

Humanap ng isang Sentro ng Pagboto na Malapit sa Iyo



Voting Period logoPanahon ng Pagboto

HAng pagkakaroon ng iisang araw para bumoto ng personal ay lipas na ngayon. Ang mga botante ng County ng L.A. ay magkakaroon ngayon ng 11 magkakasunod na araw upang bumoto ng personal sa alinmang Sentro ng Pagboto sa buong County.

Ang mga Sentro ng Pagboto para sa Ika-3 ng Marso, 2020 Pampanguluhang Primaryang Halalan ay bukas sa Ika-22 ng Pebrero-Ika-3 ng Marso.



Ang mga botante ay makakapunta sa ALINMANG Sentro ng Pagboto sa County ng L.A.



BMD logoKagamitang Pangmarka ng Balota

Ang mga benipisyo ng teknolohiya para sa madali at napupuntahang karanasan sa pagboto - sa isang papel na balota.

Ang Kagamitang Pangmarka ng Balota ay ginagawang madali para sa mga botante na ipasadya ang karanasan sa pagboto ayon sa kanilang pangangailangan. Ang mga botante ay makakagamit ng 13 mga wika, isaayos ang touch screen sa maginhawang angulo, baguhin ang mga pagtatakda gaya ng laki ng teksto at pagkakaiba ng tingkad o tahakin ang balota gamit ang headset ng audio at kontrol pad.

Ang seguridad ay nananatiling isang mataas na prayoridad para sa County ng L.A., kaya ang kagamitang ito ay hindi nakakabit sa isang network o internet. Ang madaling sundan na mga tagubilin ay gagabay sa sinumang botante sa buong proseso ng pagboto na hindi kinakailangan ng pagtulong.

Noong dati, ang mga botanteng may kapansanan o may mga paghamon sa paningin ay pinapupunta sa isang nakahiwalay na kubol ng botohan; hindi na ngayon. Ang Kagamitang Pangmarka ng Balota ay nagbibigay ng lahat ng dating katangiang magagamit at itinaas ang kalagayan ng lahat ng ito sa loob ng iisang kagamitan.

Mga katotohanan tungkol sa Kagamitang Pangmarka ng Balota


ISBlogoInteraktibong Halimbawang Balota

Isang maginhawang paraan upang pabilisin ang proseso ng pagboto na nagbibigay sa mga botante na gawin ang kanilang mga pagpili bago pumunta sa isang sentro ng pagboto.

Ang Interaktibong Halimbawang Balota ay isang maginhawang opsyon para sa mga botante na gustong mapuntahan at markahan ang kanilang mga pinili bago pa dumating sa sentro ng pagboto. Gamit ang kompyuter, mobile na telepono o personal na kagamitan, ang mga botante ay maaaring suriin ang impormasyon sa kanilang balota at gawin ang kanilang mga pagpili. Matapos tahakin ang proseso ng seleksyon ang Interaktibong Halimbawang Balota ay gagawa ng isang Pases sa Pagboto (Kodigong QR) – gaya ng isang pases sa pagsakay sa eroplano.

Sa sentro ng pagboto, ang mga botante ay mag-iiskan ng kanilang Pases sa Pagboto upang ilipat ang kanilang mga pinili sa Kagamitang Pangmarka ng Balota (BMD). Pagkatapos, ang isang screen ng pagsusuri ay magpakikita ng mga pinili na magbibigay ng pagkakataon sa mga botante na baguhin o ipatala ang kanilang balota.

MAGSIMULA TAYO

Mga Katotohanan ng Interaktibong Halimbawang Balota


E-Pollbook logoElektronikong Aklat ng Botohan

Isang modernong paraan upang mag tsek-in at isapanahon ang iyong rehistrasyon sa alinmang sentro ng pagboto sa County.

Ang Elektronikong Aklat ng Botohan (ePollbook) ay papalit sa inilimbag na listahan ng mga botante at magagamit ng lahat ng tauhan ng sentro ng pagboto upang beripikahin ang pagiging karapat-dapat ng isang botante sa kasalukuyang panahon. Dagdag pa, ang Elektronikong Aklat ng Botohan ay magpapakita kung ang botante ay nakaboto na saan man sa County at hindi magpapahintulot ng pagboto sa iba't-ibang mga lokasyon.

Ang impormasyon ng botante sa Elektronikong Aklat ng Botohan ay hindi konektado sa Kagamitang Pangmarka ng Balota o sa sistema ng kuwenta. Ang mga ito ay mananatiling independiyente mula sa isa't-isa upang protektahan ang personal na impormasyon ng botante. Ang mga inilimbag na balota ay hindi maglalaman ng anumang impormasyon ng botante.

Mga katotohanan tungkol sa Elektronikong Aklat ng Botohan


Ipa-alam sa Iyong Komunidad

I-download at ipamahagi ang mga materyales sa ibaba para sa iyong komunidad!

Icon - Close